
“Buhay MedTech (Medical Technologist) sa Pilipinas”
Isinulat ni: Jonrich Giann L. Dy
Araw-araw, ang medical technologist sa Pilipinas ay pumapasok sa mga laboratoryo o ospital, nakikipagsapalaran sa mga mikrobyo, na e-expose pathogens, sumasahod ng mababa, madalas underpayed , minsan hindi pa kinikilalang propesyonal at minamaliit ng karamihan.
Lahat naman tayo ay may inspirasyon at rason kung bakit natin ginagawa ang isang bagay, kung bakit tayo gumigising ng maaga, nahihirapan ngunit hindi sumusuko sa buhay. Ang artikulo na ito ay magbibigay sainyo ng isang pasilip mula sa buhay ni Alma, isang medical technologist sa Intercon Diagnostic Laboratory, isang RMT o Registered Medical Technologist na nagtratrabaho sa isang pribadong laboratoryo sa Pilipinas.
Alas singko ng madaling araw madalas gumising si Alma upang makapaghandang pumasok sa trabaho. Pagkabangon sa kama, kakain, maliligo at mag-aayos para makapasok na sa kanyang trabaho. Bago siya umalis ng bahay, sinisigurado niyang madadala niya ang paborito niyang lab coat na nakasabit sa gilid ng upuan, at bilang isang medtech, hinding-hindi niya ito nalilimutan.
Bago alas-syete ng umaga, dapat ay nakaalis nan g bahay si Alma. Hindi katulad ng karaniwang medtech, si Alma ay hindi nakikipagsapalaran sa pagcocommute dahil mayroon siyang sariling kotse. Para sa ibang medical technologist na may naka-assign na stasyon sa laboratoryo at ang pasok madalas ay alas-siyete ng umaga, ibahin mo si Alma dahil tuwing alas-siyete ng umaga, siya muna ay magtutungo sa mga bahay ng mga pasyente nila mismo, alas-otso ang call time niya. Alas otso na ng magsimulang magbukas ng lab kit si Alma. Hinahanda niya ang mga syringe, alcohol, at iba pang mga bagay upang na ginagamit upang kumuha ng dugo ng pasiyente . Ginagawa niya ito hanggang mag lunch break siya.
Pag dating ng hapon, si Alma ay tapos na sa mga rotations ng pasyente niya, at pupunta na siya sa laboratoryo. Gumagawa siya ng mga papeles, dokumento, at iba pa. Para sa ibang medical technologists, karaniwan ay nagtatrabaho sila sa kanilang departamento (Pathology, Microbiology, Histopathology, Blood Banking). Si Alma naman, nasa administrative works, kaya papeles at mga dokumento ang mga kaharap niya. Ang shift ni Alma ay mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Tuwing alas singko ng hapon, si Alma ay nagmamadaling umuwi upang di maubutan ang traffic sa mga kalsada. Masaya siyang umuuwi ng bahay dahil pagbukas ng pintuan ay kanya ng makikita ang rason bakit siya bumabangon araw-araw at nagtratrabaho— ang kaniyang mga anak. Katulad ng karamihan sa mga medical technologists sa bansa, ang inspirasyon at motibasyon niya ay ang kanilang pamilya.
Bago pa dumilim at gumabi, si Alma ay nasa bahay na, nagpapahinga sa kaniyang kama. Araw-araw ganito ang kanyang ginagawang “routine”. May nais iparating si Alma sa mga kapwa niya medical technologist at mga mamamayang Pilipino ito ay ang “Isapuso ang lahat ng pinagaaralan ngunit huwag masiyadong sisihin ang sarili sa mga maling nagawa o magagawa. Gawing inspirasyon ang pamilya, at ang pinaka importante— wag mong hayaang mawalan ng apoy ang iyong puso sa kung ano ang gustong-gusto mong gawin sa buhay”.