
“Sipag at Tiyaga: Susi sa Tagumpay ”
Isinulat ni: Kiara Louise M. Roque
“Para sa pamilya.” Tugon ni Alma Rosario Lao, isang medtech nang siya ay tanungin kung para kanino siya bumabangon sa araw-araw. Nakatira sa 198 4thstreet Caloocan City at kasalukuyang apatnapu’t anim (46) na taong gulang na.
Siya ay naging isang ganap na medtech noong taong 1993. Nagsimula ng sampung libo lamang ang panimulang sweldo noong Setyembre 1993 at ngayon ay animnapu’t limang libong piso o Php 65,000 na ang kaniyang sweldo sa kasalukuyan. Sapat para sa pang araw-aarw na gastusin. Nakatatanggap din siya ng karagdagang walong libo’t isandaan at dalawampu’t limang piso o Php 8,125 kada oras ng overtime sa opisina. Sa ngayon, ang kaniyang trabaho ay ang sa administrative mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon. Masasabi na tumaas ang kaniyang tungkulin kung ikukumpara sa kaniyang unang trabaho na sa iba’t ibang seksyon ng laboratoryo. Ngunit kahit ganoon, alas singko siya palagi bumabangon para sa trabaho. Bago siya pumasok sa opisina, kaniyang pinupuntahan sa kani-kailang tahanan ang mga pasyente para kuhanan ng dugo at pagkatapos noon ay saka pa lamang siya papasok ng opisina para sa mga paperworks.
Bilang isang may tunay na alam pagdating sa hinaing ng isang medtech, hiling ni Ginang Lao na “Sana taasan ang sweldo para hindi na kailangan pa na pumunta sa abroad ang mga medtech.”. Sa kabila ng isyung ito, para sa kaniya, “Masaya ang buhay medtech basta mahal mo ang trabaho mo, kahit gaano karami ang trabaho hindi ka makakaramdam ng pagod. Importante din na marunong ka makisama sa mga katrabaho mo.”. At bilang isang propesyunal na medtech sa mahabang panahon, ang payo niya sa mga estudyanteng kasalukuyang kumukuha ng kursong medtech ay ang maging responsable. Marapat alalahanin na mahalagang maging masipag at matiyaga kahit sobrang galling sapagkat kung taglay ang dalawang ito, magiging maayos sila sa hinaharap. Isa lamang si Ginang Lao sa ating mga kababayan na piniling manatili sa bansa at nagsimula sa mababang sweldo. Ipinamalas niya ang kahalagahan ng pagmamahal sa isang larangan sa kabila ng mga isyu na kinahaharap nito.